Bandera ng China, Panama sinunog ni Afuang

MAGKASABAY na sinunog ni dating Laguna Mayor Abner Afuang ang bandera ng Panama at China bilang pagpapahayag ng damdamin kaugnay na ginawang panggagahasa sa isang Filipina at pag-angkin ng China sa Sharborough Shoal.

Dakong alas 11:00 ng umaga nang lusubin ni Afuang ang harapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para magkasabay na sunugin at
tapak-tapakan ang bandila ng Panama at China.

Kinokondena ni Afuang ang pamunuan ng DFA, dahil wala umanong ginagawang kakbang para mabigyan ng katarungan ang 19-anyos na
Pilipina na pinagsamantalahan ng isang Panamanian diplomat at ang ginagawang pambu-bully ng China sa pag-angkin sa Panatag Shoal.

Una nang sinabi ni Afuang, tinaguriang “flag burner” na ang panununog niya ng bandila ay para sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply