Banggaan ng trak at bus: 2 patay, 4 sugatan

DALAWA katao ang namatay habang apat ang sugatan makaraang magsalpukan ang bus at trak sa Camarines Norte.

Nabatid na binangga umano ng delivery truck ang DLTB bus sa Maharlika Highway, Barangay Itomang, Talisay na ikinasawi nina Edgardo Roll Jr., 42, ng Buendia St. Balut, Tondo, Manila at Emmanuel Paquita Rojo, ng Barangay Bautista, Labo.

Sugatan naman sina Mark Rodriguez, 33, konduktor ng bus; Fernando Ramores, Marjun De Jesus, drayber ng trak at ang pahinanteng si Edison Sevilla.

Sa lakas umano ng pagkakabangga, halos nagliparan umano ang steel bars na karga ng trak dahilan upang tumusok ito sa biktimang si Roll.

Hinihinalang lasing ang drayber ng trak na si De Jesus kung kaya’t hindi nito nakita ang bus.

Nananatili naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang apat na nasugatan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply