Bangkay natagpuan sa riles ng tren

NATAGPUAN ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na nakahandusay sa riles ng tren ay at may tama ng bala sa ulo sa Caloocan City, Lunes ng umaga, Mayo 28.

Sa ulat, dakong alas-7, isang residente sa Daang Bakal st., Brgy. 59 ang nakakita sa bangkay ng biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis.

Nang respondehan ay nakitaan ng tama ng bala sa ulo ang biktima habang nakahandusay sa riles ng tren.

Wala naman anumang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima.Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply