Bangkay ng 3 nahulog sa RORO vessel, nakita na

KUMPIRMADONG patay na ang tatlo kataong nasangkot sa roll-on-roll-off  (RORO) accident  sa Mindoro nitong nakaraang linggo matapos matagpuan ang kanilang bangkay kaninang umaga (Mayo 20), ayon sa ulat ng pulisya.

Sinabi ni SPO1 Bienvenido Magadia ng Bansud town police sa Mindoro Oriental na ang bangkay ng biktimang si Joanna Marie Tubunggan, 23-anyos, ay narekober at dinala sa town police station para sa kaukulang awtopsya.

Ang bangkay naman, aniya, ng 3-anyos na anak ni Tubunggan na inisyal na nakilalang si Jonas, at ang isang lalaki, ay inaahon pa sa karagatan habang isinusulat ang balitang ito.

“Pasahero sila ng Starlight (RORO) mula Roxas, Oriental Mindoro papuntang Caticlan,” pahayag pa ni Bansud.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas na nahulog si Jonas sa dagat mula sa RORO vessel noong Mayo 16 kaya tumalon din ang inang si Joanna para sagipin ito habang nakita naman ng isang lalaking pasahero ang insidente kaya tumalon din ito sa dagat.

Sa kasamaang palad, pawang hindi na lumutang ang tatlo kaya ikinasa ang paghahanap sa kanila.

Sinabi rin ni Magadia na lumalabas na hindi kamag-anak ng pamilya Tubungan ang naturang lalaki at tumalon lamang sa dagat upang sagipin ang mag-ina.

Nang tanungin naman kung tumulong ang mga crew ng RORO para sagipin ang mga pasahero, nabuko na wala silang ginawa para tulungan ang kanilang nahulog na mga pasahero.

Nasa Coast Guard, aniya, kung ang mga nagpabayang crew ng RORO vessel ay pananagutin sa insidente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply