Bangkay ng kelot napulot sa Fairview

ISANG bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Walnut Street, kanto ng Dahlia, Barangay Greater Fairview, Quezon City, kaninang umaga.

Nabatid na bandang alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ang hindi pa nakikilalang bitkima na nakabalot ng sako ang katawan at nakabalot ng itim na T-shirt ang ulo.

Inilarawan ang biktima na nasa 30-anyos, may taas na 5’4 at tanging tattoo lang ang pagkakakilanlan.

Tadtad ng saksak ng ice pick at kutsilyo ang leeg, dibdib, tiyan at tagiliran, ang biktima.

kasalukuyang nasa punerarya ang bangkay ng biktima habang iniimbestigahan na ng awtoridad ang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply