Bangkay ng kelot napulot sa Quezon City

NATAGPUAN ang isang lalaking hinihinalang biktima ng summary execution sa M. Viola St., Brgy. Balingasa, Sto. Domingo, Quezon City kaninang madaling araw.

Nakita ang bangkay na nakabalot pa ng masking tape ang ulo at may nakatarak pang ice pick sa tagiliran at dibdib.

Hindi naman batid ang pagkakakilanlan ng lalaki na inilarawan lamang na may tattoo na ‘Louie’ sa batok, nasa 18 hanggang 25 anyos, at may taas na 5’4 hanggang 5’6.

Ayon sa pulisya, ito na ang ikalawang beses na nakakita ng salvage victim sa lugar na pareho ang paraan ng pagkakapatay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply