Bangkay ng sekyu nakita sa Batasan High School

ISANG bangkay ng security guard ang natagpuan sa palikuran ng Batasan High School sa Quezon City kaninang hapon.

Kinilala ang biktima na si Benedict Mendoza.

Nabatid na bandang hapon kanina nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay sa loob ng comfort room.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng biktima o kung may foul play sa insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply