Bangko hinoldap ng sariling sekyu sa Quezon City

HINOLDAP ng security guard ang pinagtatrabahuhang branch ng Chinabank sa E. Rodriguez Sr., Barangay Damayang Lagi sa Quezon City, kagabi (Mayo 25).

Kinilala ang suspek na si Reynante Gante ng Odysseus Security Agency.

Si Gante ay nabatid na apat na buwan pa lamang na namamasukan sa nasabing bangko.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, ikinulong ng suspek ang 11 empleyado ng bangko at inutusan ang cashier na si Reynante Yu na buksan ang vault.

Pagkatapos limasin ang vault ay agad na tumakas si Gante lulan ng motorsiklo na “for registration” pa lang at bitbit ang kanyang service firearm.

Inaalam pa kung magkano ang natangay na pera ng suspek na tinutugis na ngayon ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply