Banta ni Mama Alfie kapag umalis sa kanya si Judy Ann Santos, kakabugin pa ang world war 3, 4 and 5!

NOT true na pipirma na ng kontrata si Judy Ann Santos sa Star Magic dahil expired na ang contract ng sikat na actress/Tv host sa manager na si Mama Alfie Lorenzo.

Korek! Umuusok sa galit si Mama Alfie dahil puro imbento lang ang mga naglabasang balita na mag-i-expire na nga ang kontrata sa kanya ni Juday sa June 2012 kaya lalayasan na siya ng alagang actress na Batang Ula days pa lang ay kanya ng inalagaan at pinasikat. Say, pa ng kaibigan naming beteranong kolumnista na sinulat niya sa kanyang well followed column sa isang morning tabloid, Anong kontrata ang sinabi nila na magtatapos na eh kahit kailan, isa man sa mga naging alaga niya at napasikat ay walang kontrata sa kanya?

Verbal agreement lang ito na sinuman sa kanya talent ay hindi sumira. Meaning, ‘yung sa kanila ni Juday walang papel o kontrata kundi tiwala lang sa isa’t isa. Na kapag nangyari raw ‘yung sinasabing kakawala na sa kanya si Judy Ann, narito ang banta ni Mama Alfie, kakabugin raw nila ni Juday ang world war 3, 4 & 5.

Ano raw siya? Gagawing gago? Eh, matagal na siyang gina G-A-G-O. Bastusan na raw ba ito! Basta, pagtatapos pa ng sikat, kontrobersyal at matapang na talent manager/columnist, ang sentensiya sa kanya ni Judy Ann Santos ay habang buhay. At period ito at walang comma (peram daw bestfriend foreever talaga Pete A.) Hay! nakaa-afraid gyud!

***

Labandera panalo ng almost 100,000 cash at iba pang exciting prizes sa Juan For All ng Eat Bulaga

KUNG noon ay nagtitiyaga lang itong si Charee Aguilar, 25 yrs old, ng Brgy. Ilaya, Mandaluyong City sa kakarampot na sahod na 2,500 kada buwan sa isang laundry shop sa kanilang lugar, ngayon, dahil si Charee ang sinuwerteng manalo sa sugod-bahay sa barangay sa Juan for All, All for Juan sa Eat Bulaga,’yung mga ipinagkaloob sa kanya ni Bossing, Jose, Wally, Tito Jimmy Santos at ng Eat Bulaga last Saturday na almost 100,000 cash at iba pang sangkatutak na prizes ay puwede ng magsimula si Charee ng isang maliit na negosyo.

Mabait na bata itong si Charee sa kabila ng napakaliit niyang sahod, nakukuha pang magpadala ng 2,000 kada buwan sa kanyang mga magulang at kapatid sa Estancia Iloilo. May sakit na asthma ang kanyang tatay at ngayong nagwagi siya ng malaking halaga sa Juan for All ay maipagagamot niya na ito at makauuwi na rin siya sa lugar na kinalakhan sa Iloilo.

Hindi lang ang Eat Bulaga at si Bossing ang gustong pasalamatan ngayon ni Charee kundi ang mga sponsors rin ng nasabing public service segment tulad ng Coca-Cola, Purergold, BPI Globe Banko, Nokia Asha 302, Busog-Lusog Bear Brand, Lucky Me Nam-Nam, Yakult, Hanabishi Appliances, Casino Ethyl Alcohol, Canesten, Davis Coat Saver MSE Men’s and Womens Apparel etc. Panalo gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply