Barangay kagawad tinodas sa Davao del Sur

PATAY ang isang barangay kagawad nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Brgy. Poblacion, Hagonoy, Davao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Allan Molina, 42, kagawad sa Brgy. Poblacion Hagonoy.

Sa imbestigasyon, papunta ang biktima sa kanyang kapitbahay nang lapitan ng suspek saka pinagbabaril sa leeg bago tumakas.

Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa politika ang pagkakapatay kay Molina.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply