Barangayan sa Maynila kay Isko Moreno

MAYORYA na mga barangay sa Maynila ang sumusuporta kay VM Isko Moreno.

Ito ang malupit na katotohanan sa Maynila dahil karamihan sa mga chairman at kagawad sa lungsod ay buo ang tiwala sa kanilang bise alkalde dahil ito ang nagmamalasakit sa kanilang hanay.

Nauunawaan rin ni Isko Moreno ang pangangailangan ng barangay kaya’t kapag may inilalapit ang mga ito ay daglian itong tinutugon agad ng pangalawang pinakamataas na lider ng Maynila sa abot ng kanyang kakayanan.

Alam ng bise alkalde ang kanyang obligasyon sa mamamayan lalo’t higit sa mga pinuno ng mga ito kaya’t noong tumiwalag siya kay Mayor Alfredo Lim ay kasama niya ang barangay na karamihan sa mga ito ay hindi man lamang nakatikim ng pagkalinga ng isang punong lungsod.

Kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit ang 28 sa 38 konsehales ng lungsod ng Maynila ay sumama sa panunumpa ni VM Isko Moreno sa United Nationalist Alliance (UNA) dahil ang kanilang presiding officer sa Konseho ang tanging nakauunawa ng kanilang pangangailangan.

Maging ang sentimyento ng mga konsehal ay arok ni Isko dahil galing siya sa hanay ng mga konsehal matapos siyang maging bahagi ng Konseho sa  loob ng 9 taon.

Mabigat ang kinahaharap na problerma ni Isko sa ngayon dahil ang buong departamento ng City Hall ay kanyang kalaban dahil hawak lahat ni Lim ang mga hepe at tauhan nito.

Sumusuntok ngayon sa buwan si Isko pero tiyak namang may patutunguhan ang kanyang pakikipaglaban dahil kakampi niya ang barangay at mamamayan.

####

Mahihirapan na si Chief Justice Renato Corona na kumbinsihin pa ang taumbayan na siya ay walang kasalanan.

Hindi kasi biro ang bulto-bultong katotohanang inilahad ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Impeachment Court.

Pinagbasehan ng naturang pahayag ni Morales ang AMLC report at hindi rin maikakaila ang kanyang bank accounts sa 5 bangko.

Tapos na ang karera ni Corona kaya’t marapat lang siyang magsisi na at harapin ang katotohanan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply