Barker binurdahan ng saksak, tigok

PATAY ang isang 30-anyos na barker matapos burdahan ng saksak sa katawan ng dalawang hindi nakilalang suspek sa Tondo, Maynila kagabi (Mayo 7).

Ang biktima ay nakilalang si Nesty Decena, taga-No. 901 Delfan St., Tondo, Maynila.

Nakatakas naman ang dalawang suspek dala ang patalim na ginamit sa pananaksak sa biktima.

Nabatid sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:15 kagabi nang maganap ang insidente sa MICT Access Road, Gate 18 Parola, Tondo Maynila.

Nauna rito, papunta ang biktima sa Gate 18 sa Parola para tubusin sa kaibigan ang isinanlang kuwintas pero napadaan siya sa Gate 54.

Hindi pa man nagtatagal sa lugar ay nakita na lamang itong nagtatakbo papalayo at hinahabol ng dalawang suspek.

Nang maabutan ay saka naman inundayan ng saksak sa kanyang katawan.

Nagawa pa ring makalabas ng biktima sa Gate 54 at tumakbo patungo sa Acces Road ng Parola Tondo Maynila, pero dito na siya bumulagta.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa tunay na motibo sa pamamaslang sa biktima at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply