Barko de giyera pa ayuda ng US sa Pilipinas

NAKATAKDANG tanggapin ng Pilipinas ang pangalawang warship ng Armed Forces of the mula sa United States government bilang karagdagan para sa long range patrol vessel ng Philippine Navy.

Pero agad nilinaw ng Department of National Defense (DND) na wala itong kaugnayan sa tensyon sa bahagi ng West Philippine Sea pagitan ng Pilipinas at China.

Sa Martes, Mayo 22 ay pormal nang itu-turn over ng US Coast Guard ang “high-endurance cutter” nito na USCG Cutter Dallas kina AFP Chief Gen. Jessie Dellosa at Rear Admiral Jose Alano Phil. Navy Fleet Commander sa 378-foot Hamilton-class vessel mula kay Rear Admiral John Korn, ang assistant commandant for acquisition, sa seremonya na gaganapin sa North Charlston, South Carolina.

Nabatid na 1967 pa kinomisyon ng Amerika ang naturang barko at nagsilbi na rin sa Vietnam, Pacific at Mediterranean.

Ang barko ay papangalanang BRP Ramon Alcaraz, na hahawakan ni Capt. Ernesto Baldovino.

Ipinangalan ang bagong barko de Guerra ng Philippine Navy sa Filipino naval officer na nagmamando ng  torpedo boat “Abra” na kasama sa mga sasakyang dagat na sumagupa sa Japanese forces sa pagsisimula ng World War II, at nagpabagsak ng tatlong eroplano ng mga kalaban sa Manila Bay.

Ang Hamilton-class warship ay may dalawang Mk753″/62 compact gun system, dalawang Mk 38 25mm busmaster cannons at isang Mk 15Phalanx 20mm close-in weapon system.

Maalala na unang nakatanggap ang Pilipinas ng Hamilton-class vessel, ang BRP Gregorio del Pilar na flagship ngayon ng Philippine Navy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply