Barko ng PCG, BFAR mananatili sa Panatag

MANANATILI ang dalawang barko ng Pilipinas sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.

Batay sa report ni Lt. Cmdr Algier Ricafrente, spokesperson ng Philippine Coast Guard (PCG), ang kanilang barkong BRP Corregidor, kasama ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang siyang tumatapat sa mga barko ng bansang China na nakapaligid sa Bajo De Masinloc.

Ayon kay Ricafrente, hindi umano sila magdaragdag ng barko dahil wala pa namang utos ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Paalala pa nito, na nasa Scarborough Shoal ang dalawang barko ng gobyerno upang ipakita ang watawat ng Pilipinas at maipaalala sa mga Tsino na ang kanilang inaagaw na isla ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas at hindi upang maghasik ng kaguluhan.

Una nang sinabi ni DFA Apokesman Atty. Raul Hernandez, na mula sa 77 na barko noong Martes, naging 92 na ang Chinese vessels na nakapaligid sa Panatag Shoal, 16 umano dito ay fishing boats at 76 ay utility boats.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply