Barkong pangisda na inabandona sa karagatan ng Laoag nawawala

LAOAG CITY – Pinaghahanap Philippine Coast Guard  at  Laoag City Philippine National Police (PNP) ang isang fishing vessel na nawawala matapos itong iabandona ng isang African national sa karagatan ng nasabing lungsod kamakailan.

Nakilala ang fishing vessel na Metro Gabu na ngayon ay nawawala sa hindi pa malaman na dahilan.

Ayon sa report ni Laoag City Philippine National Police (PNP) Inspector Danny Andres, hepe ng investigation division,  iniulat ng mga residente malapit sa karagatan sa local na PNP na nawawala ang fishing vessel.

Ayon kay Andres, nakipag-ugnayan sila sa Philiipine Coast Guard (PCG) at PNP Maritime Group upang tumulong sa isinasagawang imbestigasyon.

Iniwan diumano ng isang African national ang nasabing yate ilang araw lang ang nakakalipas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply