Bartender kritikal sa despedida

KRITIKAL ang isang bartender na papuntang abroad matapos saksakin ng nakatalo habang nagdadaos ng despedida ang una sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Inoobserbahan sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Vernie Rufino, 30 ng Dimasalang St., Maypajo ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Jefferson Alejandro, nasa hustong gulang ng Tamban St., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw, nakikipag-inuman ang biktima bilang despedida sa bahay ng kaibigan sa Tamban St., ng lungsod ng may nambato sa kanila.

Lumabas ang biktima at nakita ang suspek na naging dahilan ng pagtatalo hanggang mauwi sa pagsusuntukan.

Nakabunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima bago tumakas habang dinala naman ang biktima sa naturang ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply