‘Bata’ ng Ilocos Sur vice-mayor utas sa ambush

NAGKABUTAS-BUTAS ang katawan ng bodyguard ng isang vice-mayor sa Ilokos Sur habang sugatan naman ang kasama nito nang ambusin ng hindi nakikilalang armadong kalalakihan, Martes ng gabi, Mayo 1.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre .40 at 9mm pistol sa iba’t ibang parte ng katawan si Pablito Ridoque, ng Capangpangan, Vigan City at bodyguard ni Santa Ilocos Sur vice mayor Jesus Popoy Bueno.

Tinamaan naman ng bala sa kanang paa ang isa pang biktima na si Ricardo Molina, ngayon ay nagpapagaling na lamang sa isang ospital.

Sa ulat ng Camp Crame, naganap ang insidene alas-9:30 ng gabi nitong Martes sa Jose Singson St., Barangay 8, Vigan.

Nabatid na lulan sa traysikel ang mga biktima at papunta sa isang videoke bar nang harangin ng mga suspek na sakay naman ng pulang  Hondi Civic at puting Toyota sedan na kapwa hindi naplakahan nang pagbabarilin ang dalawa bago nagsitakas.

Inaalam na kung may kinalaman sa trabaho ng dalawa ang krimen.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply