Batang adik pag-aaralin ng DepEd

TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na inihahanda ang bagong programa para sa mga out-of-school-youth, lalo sa mga batang nalululong sa droga.

Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, na isa sa mga plano ng kaniyang ahensya ang pag-aralin ang mga batang kalsada sa paggawa ng espisipikong programa upang hindi na mabaling ang kanilang atensyon sa pagdro-droga o paggawa ng masama.

Samantala, tiniyak ng DepEd ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante sa pagdating ng pasukan.

Nagpapasalamat si Luistro sa hanay ng kapulisan dahil mapapanatag silang magiging ligtas at tiyak na mapagmatiyag ang mga ito.

Kasunod nito, sinabi din ni Luistro na hindi lahat ng guro at estudyante ay handa sa pagsabak sa bagong sistema ng edukasyon na K+12 Program.

Bagamat aminado nga ito, handa naman tumulong ang kanyang ahensya sa mga faculty staff na nangangailangan ng karagdagang “adjustment” hindi lamang sa mga estudyante kundi pati na rin sa pamamaraan ng kanilang pagtuturo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply