Batang kinakalong bagong modus operandi ng mga holdaper

GINAGAWANG “front”  ng ilang mga holdaper  ang kalung-kalong nilang bata upang makapambiktima  ng mga dayuhan  matapos na magreklamo sa pulis ang isang Espanyol kaninang madaling araw.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si Juan Martin Gascon, 35, ng Travessa Dos Anjos, Macau, China at pansamantalang nanunuluyan sa 311 Lecson Residences sa 944 Remedio St., Malate, Maynila.

Inilarawan ang mga suspek na may edad sa pagitan ng 30-35 anyos, nakasuot ng bandana habang ang isang babae ay may kalung-kalong pang bata.

Ayon sa tanggapan ng MPD-General Assignment Section, posibleng bagong modus operandi ito ng mga holdaper upang mas higit silang makapangbiktima at maisagawa ang kanilang pakay.

Sa report ng MPD-GAS-dakong 1:00 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Remedios St., Ermita, Maynila.

Ayon sa salaysay ng biktima, naglalakad siya sa nasabing lugar nang lapitan siya ng mga suspek, dinikitan at puwersahang kinuha ang kanyang wallet na naglalaman ng P12,000 cash, passport at mahahalagang gamit.

Nang nakuha ng mga suspek ang pera ng biktima ay mabilis silang nakatakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply