Batang public servants target ng DOLE

NANGANGAILANGAN ngayon ang pamahalaan ng mga bagong breed ng batang public servants at ito ngayon ang bibigyang daan ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang makaranas din na magtrabaho sa gobyerno.

Kaugnay nito, hinikayat ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga kabataan at talentadong pinoy na college graduates na lumahok sa Government Internship Program (GIP).

“The government needs a new breed of young public servants and the DOLE is opening its doors to those who would like to join the department as interns under the GIP,” pahayag ni Baldoz.

Nabatid na mayroong 700 slots ang binuksan para sa DOLE-GIP sa buong bansa.

Ang DOLE-GIP ay sa pakikipagtulungan na rin ng  programa ng National Youth Commission na matulungan ang mga bagong graduate sa pamamagitan ng three-month internship sa mga ahensya ng gobyerno.

“The program contributes to current recruitment efforts of the Department through the identification of interns who have potentials to be employed in any of the DOLE offices or attached agencies,” ayon pa kay Baldoz.

Ang DOLE-GIP ay bukas para sa lahat ng fresh college graduates ng School Year 2011-2012 na nag-aaral ng degree courses na may kaugnayan sa operasyon ng DOLE tulad ng economics, law, labor at industrial relations, social science, political science, public administration, at journalism/communication.

Ang mga interesado ay dapat na nasa edad 18 hanggang 25-anyos na may magandang communication skills at computer literacy.

Ang internship slots ay hindi dapat na lumagpas sa limang porsyento ng kabuuang plantilla ng bawat ahensya ng pamahalaan.

Ang mga mapipiling interns ay sasanayin sa public service functions at operations ng DOLE kabilang na ang program advocacy, frontline services delivery, program research at monitoring, at project evaluation at documentation.

Ang mga DOLE interns ay makatatanggap ng allowance ng 75 porsyento ng kasalukuyang minimum wage na aplikable sa kanilang assigned DOLE agencies/offices.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply