Batas sa environmental planners, rerepasuhin

NAKATAKDANG repasuhin ni Sen. Antonio Trillanes IV ang 34 taong gulang na batas sa environmental planning upang umangkop sa kasalukuyang pagbabago sa teknolohiya at kalakaran sa buong mundo.

Dahil dito, mahigpit na inendorso ni Trillanes ang panukala sa plenaryo upang maisabatas kaagad at maisaaytos ang propesyon ng environmental planning sa ating bansa.

Ayon kay Trillanes, naipasa ng Senate committee on civil service and government reorganization katulad ang Senate committee on finance ang Senate Bill 3138 na mas kilala bilang bagong “Environmental Planning Professional Law.”

Kasama ni Trillanes si Senator Loren Legarda sa pag-isponsor ng nasabing panukalang batas na naglalayong baguhin ang Presidential Decree 1308 na sumasaklaw sa propesyon ng environmental planning sa Pilipinas mula 1978.

“Ang panukalang batas na ito ay naglalayong palitan ang kasalukuyang  Environmental Planning Profession Law sa bansa na dati nang sumasakop sa propesyon mula pa noong 1978, upang maging akma   sa mga pagbabago sa larangan ng environmental planning,” ani Trillanes.

Maituturing na bagong propesyon ang environmental planning nakatuon sa isyu ng kapaligiran at larangan sa urban planning. Gumagamit ito ng natural at agham panlipunan upang isulong ang maayos at kaaya-ayang kapaligiran at wastong pamamahala ng likas na yaman.

Ayon kay Trillanes, ang pagpapalit ng 34-taong batas ay naayon sa patakaran ng gobyerno sa pagkilala sa kahalagahan ng environmental planning sa pagtataguyod ng bansa at kaunlaran.

Dagdag pa niya,makatyutulong  ang panukala ang sa paglinang at pangangalaga ng mararangal, mabibisa, produktibo at propesyunal na environmental planner na may pamantayan ng serbisyo na pawang kahusayan, world-class at globally competitive.

Layunin ng panukala na magkaroon ng tapat, epektibo, makabuluhan at kapanipaniwalang licensure exams sa pamamagitan ng mga programa, regulatory measure at gawain na mangangalaga sa professional growth at social responsibility   ng mga environmental planner.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply