Bawal ang magkasakit

ANG daming maysakit ngayon.

Mga anak, magulang, lolo, apo.

Sipon, lagnat, sakit sa balat, bulutong, dengue at iba pa ang mga dumadapong sakit.

Yung iba, dinaraan sa arbularyo, patapal-tapal ng dahon at pag-inom ng mga pinakuluang erbal medisin ang panggagamot.

Ang iba nama’y pumipila sa mga barangay health center o sa mga general ospital.

Ano kung 100 o mahigit pa ang madatnan nilang nakapila.

Ang mga tutyal, tumatakbo agad sa ospital at naghahanap pa ng mga praybeyt at eksklusib na kwarto.

oOo

Para sa nakararami, pag nagkasakit sila at tumigil sa trabaho, agad na gutom ang magpapakita sa kanilang mga hapagkainan.

‘Yung iba, pagkalubog sa utang.

‘Yung mga kamalas-malasan, ang morge at punerarya ang kausap nila.

Nandiyan kasi ang nanghohostage sa mga bangkay sa morge kung hindi kumpleto ang bayad ng mga ito sa ospital.

‘Yang punerarya naman ay isa ring sakit sa ulo.

Ang mamahal ng mga kabaong, damit at iba pang serbisyo ng mga ito.

Mabuti na lang at medyo magaan-gaan ang serbisyo ng mga magdarasal, kabilang na ang mga pari.

Pero para sa talagang nilimasan ng sakit ang lahat na meron sila, pati ang dasal ay mahal na rin.

Dinaraan na lang sa saklang patay, tong-its, 41, lakinayn at bingo ang pambayad sa mga ito.

Marami nga riyan ang nagtatagal ang burol at palibing sa tatlong linggo hanggang isang buwan dahil sa kahirapan.

oOo

Talaga namang bawal ang magkasakit lalo na kung lalala ang sakit hanggang sa
sunduin tayo ni kalawit boy.

Kaya naman, dapat tayong magtulong-tulong sa pagbabantay laban  dito at pag-aasikaso sa mga maysakit.

Redi na ba kayo, Suki?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply