Bebot binurdahan ng saksak, tigok sa CamSur

NALILIGO sa sariling dugo at tadtad ng saksak sa katawan nang matagpuan ang isang 29-anyos na babae sa Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marife Rivero, ng Sitio Mapanatag, Barangay May-anao, bayan ng Tigaon.

Batay sa ulat ng PNP Sagñay, nagtamo ng 68 saksak si Rivero at nakitang nakahandusay sa Barangay Magcas, bayan ng Sagñay.

Posible pang ginahasa muna ang biktima bago pinaslang.

Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na maaaring nakursunadahan sa sayawan si Marife.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply