Bebot na-hit-and-run, patay sa Kyusi

NAMATAY ang isang babae makaraang ma-hit-and-run ng isang Elf truck sa Quirino Highway sa Barangay Talipapa, Novaliches, Quezon City, kaninang madaling araw.

Nabatid na bandang alas-4:00 ng madaling-araw nang maaksidente ang biktimang si Flor Martinez, 45, na matinding napuruhan sa kanyang ulo na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa asawa ng biktima, mamamalengke lang sana ang biktima nang maganap ang aksidente.

Batay sa nakasaksi, tumatawid lang ang biktima nang masagasaan ng isang Elf truck. Tinangka pa umano nilang habulin ang suspek ngunit bigo silang maplakahan ang sasakyan.

Lumingon din umano ang pahinante ng trak ngunit humarurot ito palayo sa nasagasaang biktima.

Naiwan pa sa insidente ang pira-pirasong bahagi ng truck na maaaring makapagturo sa salarin.

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang insidente habang tinutugis na ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply