Bebot na Indonesian dakip sa P15-M shabu sa NAIA

ARESTADO ang isang Indonesian national nang makumpiskahan ng mahigit tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Nabatid na tangkang ipasok ni Francesca Jovian, 57, ang 3.73 kilo ng shabu sa isang maleta na pinatungan ng plywood.

Lumalabas na galing sa Hong Kong ang babaeng Indonesian at nahuli sa Customs Inspection Area ng paliparan.

Narekober din sa dayuhan ang iba’t ibang uri ng currency tulad ng Yuan, Hong Kong dollar, Malaysian Ringgit, US dollar at Philippine peso.

Ang mga pera ay Php53,080.00; US$1,993.00; Indonesian Rupiah 139,500.00; HK$200.00; Yuan213.00; Malaysian ringgit 16.00; at Singapore$7.00.

Isang background check naman ang agad na isinagawa ni Customs Special Agent II Byron A. Carbonell kaya napag-alaman na si Jovian ay ilang beses na ring nakapapasok sa bansa.

Una ay noong nakaraang May 12, 2012 via Philippine Airlines flight PR-301; pangalawa, May 14, 2012; pangatlo,  May 21, 2012; pang-apat, May 24, 2012; at panglima ay May 27, 2012, na ang kanyang ruta ay China-Hong Kong-Manila/Manila-Hong Kong-China.

Ang suspek ay ipinasa na ng customs sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency para sa kaukulang disposisyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply