Bebot na nakipaglasingan sa dabarkads, kinaplog

NILASING muna bago hinalay ng kainuman ang 25-anyos na dalaga sa Quezon City kagabi.

Galit na nagreklamo sa himpilan ng Masambong Police Station 2 ang biktima na itinago sa pangalang “Emily,” sales clerk at taga-Brgy. San Roque.

Agad namang inaresto ng pulisya ang suspek na si Freddie Fontanilla, 26, construction worker sa N2 San Roque, Pag-asa, Quezon City.

Sa reklamo ni Emily kay SPO1 Loida Sta. Maria, ng Women and Children Protection Desk (WCPD), alas-9:00 nang yayain siya ng isang kaibigan para mag-inuman sa bahay ng suspek.

Nang malasing ay nagpahinga sa isang kuwarto ang dalaga ngunit pinasok aniya siya ng suspek at hinalay.

Aminado naman ang suspek na ginahasa niya ang biktima dahil sa tindi aniya ng kanilang kalasingan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply