Bebot na nawawala, bangkay na nang makita

HALOS agnas na nang makita ang bangkay ng isang dalaga na mahigit isang buwan ng inulat na nawawala at pinaghahanap sa lalawigan ng Albay, sa ulat ng Legazpi PNP ngayon.

Base sa police report matapos ang mahigit isang buwang paghahanap ay natagpuan na ang bangkay ng 28-anyos na si Janet Velasco, dalaga at taga-San Isidro, Puro, Legazpi City ng nabangit na lalawigan

Nabatid na bandang alas-9:00 kahapon ng umaga ay nakita ang nakabitin bangkay sa isang punong kahoy sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Abril 12 ng kasalukuyang taon.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nag-suicide ang dalaga dahil sa iba’t ibang karamdaman nito tulad na lamang ng pagiging bingi mula noong bata pa lamang.

Subalit hindi kaagad ito kinagat ng mga imbestigador dahil may posibilidad din umano na may foul play sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply