Bebot naisahan ng roomboy

NAGHARAP ngayon ng reklamo ang isang babae matapos na maisahan siya at makatalik ng isang roomboy na inakala niyang boyfriend niya sa loob ng inupahang kuwarto sa motel sa Koronadal.

Sa pahayag ng babae, nag-check-in sila ng kanyang boyfriend sa isang motel kaninang madaling araw.

Ilang oras ang nakalipas ay lumabas ang kanyang boyfriend sa silid na akalang may bibilhin lamang sa labas ng motel.

Ilang minuto ang nakalipas, ay may pumasok sa silid at tiwala naman ang babae na ito ang boyfriend niya kahit madilim sa kuwarto.

Inamin ng babae na nakipagtalik siya sa lalaking pumasok sa kuwarto nila dahil tiwala siyang ito ang kanyang boyfriend.

Nabisto lamang niya na hindi ang boyfriend niya ang katalik nang masinghot ang kakaibang amoy sa lalaki.

Dahil sa sobrang galit at shock, hinabol niya ang hindi nakilalang roomboy ngunit hindi umano niya ito inabutan kaya dumulog na lamang siya sa himpilan ng pulisya.

Hindi muna pinangalanan ang hotel na tinuluyan ng magkasintahan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply