Bebot natagpuang patay sa loob ng motel

NATAGPUAN ang bangkay ng isang babae sa loob ng silid ng motel sa lungsod ng Iloilo kahapon (Mayo 14).

Nakilala ang biktima na si Lily Grace Ariola Ditchon, ng Pangi, San Dionisio, Iloilo.

Batay sa ulat, natagpuang wala ng buhay si Ditchon sa ilalim ng higaan sa room 26 ng Katrina Lodge.

Hinala ng pulisya na pinatay ang biktima sa sakal.

Naaresto naman agad ang suspek na tiyuhin mismo ng biktima na nakilalang si Reynaldo Bolinas.

Ayon sa suspek, pinatay niya si Ditchon dahil sa utang.

Nabatid naman sa mga kaanak ni Dtichon na nasa P300 lamang ang utang ng dalaga sa suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply