Benepisyo, proteksyon ng mga vendor tiniyak

TINIYAK ngayon ng Department of Labor and Employment na malaki ang maaasahang benepisyo at proteksyon ng mga vendor sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, maraming informal worker tulad ng mga vendor na walang “Social Security System,” Pag-Ibig, PhilHealth at iba pang kasiguruhan sa kalusugan at kabuhayan.

Dahil dito kumikilos na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang makalikha ng karagdagang proteksyon at mas mabuting working conditions sa lahat ng mga obrero sa buong bansa.

Nabatid na karamihan sa mga informal workers ay nagtatrabaho sa hindi rehistradong maliliit na negosyo sa mga bahay katulad ng tindahan (sari-sari store), karinderya at iba pang hanapbuhay ng kanilang mga
amo o employer.

Kaugnay nito, plano na rin ng DOLE na magpatupad ng community-based employment program na naglalayong makagawa ng mas maraming kabuhayan sa mga informal worker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply