BFAR: Mga mangingisda ‘di maaapektuhan ng fishing ban sa Panatag

IPINALIWANAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi makaapekto sa mga mangingisda sa Zambales ang ipinapatupad na fishing ban sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, ang Panatag Shoal o Bajo De Masinloc ay hindi ikinukonsiderang major fishing ground.

Nilinaw ng opisyal na seasonal lamang ang fishing activities sa Bajo De Masinloc at nasa lima hanggang anim na bangka lamang ang nangingisda roon kada araw.

Taliwas ito sa sinasabing nawalan na umano ng kita ang mga mangingisda sa Zambales dahil sa ipinatupad na fishing ban simula nitong Miyerkules.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply