BFAR: Pinoy fishermen sa Panatag Shoal ligtas

LIGTAS ang mga Pinoy fishermen at malayang makapangingisda sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sinabi ni BFAR National Director Asis Perez na araw-araw silang ina-update ng mga tauhan ng ahensya ukol sa mga pangayayari sa Panatag Shoal.

Sa ngayon ay tiniyak ng opisyal na malayang makapangingisda ang mag Pinoy sa pinag-aagawang Scarborough.

Nabatid pa kay Perez na dalawa ang barko ng Pilipinas na nagbabantay sa Scarborough, isa sa Philippine Coast Guard at isa sa BFAR, habang tatlo naman ang sa China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply