BI, PNP sa 72 Taiwanese: Deport o asunto?

WARING nalilito ang pamahalaan kung dapat nga bang sampahan ng kaso sa Pilipinas ang 72 Taiwanese nationals na nahuli kasama ng anim na Chinese nationals sa kasong hi-tech fraud sa Davao City noong Abril 18.

Ito ay matapos mgturuan ang Bureau of Immigration (BI) at Philippine National Police (PNP) kung dapat kasuhan sa korte ng Pilipinas ang mga nahuling Taiwanese national, habang ipinatalsik naman palabas ng bansa ang anim na Chinese national.

Opinyon ng PNP-Davao City, hindi maaaring kasuhan ng paglabag sa Republic Act 8484 o Acess Devices Regulation Act of 1988 ang mga dayuhan dahil wala namang Pilipino na biktimang ang mga Taiwanese national.

Naniniwala naman ang immigration na dapat masampahan ng paglabag sa nasabing batas ang mga dayuhan at pagdusahan ang kanilang kasalanan bago ipatapon pabalik sa Taiwan.

Ayon pa kay Davao City Police Chief Senior Superintendent Ronald dela Rosa, dapat nang pabalikin sa Taiwan ang mga dayuhan upang harapin ang kaso dahil pawang mga kapwa nila kababayan at Chinese nationals ang mga nabiktima ng mga pinaghihinalaang miyembro ng sindikato sa panloloko sa pamamagitan ng telepono.

Batay sa imbestigasyon, nagpanggap na call center agents ang mga dayuhan at binabantaan na sasampahan ng kaso ang mga nabiktimang Taiwanese at Chinese national kung hindi nila babayaran ang kanilang utang sa tubig, kuryente, at telephone bills.

Nasamsam sa paglusob sa inuupahang bahay ng mga akusado ang laptop computers, cellphones at iba pang electronic devices na ginagamit sa panloloko.

Sinabi naman ni Atorni Arvin Santos, hepe ng BI-Law Investigation Division (LID) na ibinasura ni Davao City RTC Branch 16 Judge Emmanuel Carpio ang petition for habeas corpus na inihain ng Taiwanese nationals.

Sa panig naman ng mga Chinese national, pinayagan ng korte ang kanilang kaparehong petisyon, kasabay ng kautusan na pakawalan ang mga dayuhan mula sa pangangalaga ng pulisya kaya naisakatuparan ang pagpapatalsik sa mga ito noong Mayo 1.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply