Biazon hindi sisibakin ng Malakanyang

MARIING ipinahayag ni Pangulong Bengino “Noynoy” Aquino na wala siyang nakikitang matibay na dahilan para sibakin sa puwesto ni Customs
Commissioner Ruffy Biazon.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na nananatili ang tiwala ni Pangulong Aquino kay Biazon sa kabila ng batikos ng mga hog at poultry raisers dito patungkol sa pagdagsa sa bansa mga smuggled imported meat.

Ayon kay Valte, wala namang binabanggit ang Pangulo na hindi na ito kuntento sa performance ni Biazon kaugnay sa batikos ni AGAP
Partylist Rep. Nicanor Briones

Inakusahan ni Briones si Biazon sa pagiging “inutil” at kawalan umano ng aksyon para sugpuin ang smuggling ng karneng baboy at manok
sa bansa.

Binigyang diin ni Briones na nagbibingi-bingihan si Biazon sa kabila ng paulit-ulit na pangangalampag ng mga hog at poultry raisers kaugnay sa iligal na pagpasok sa bansa ng karneng baboy at manok na nagiging dahilan ng paghina ng kanilang negosyo.

Ayon kay Briones, dapat na umanong sibakin si Biazon dahil nasa 15 container na smuggled na karneng baboy at manok ang nakalulusot sa Customs araw-araw na dahilan ng pagkalugi ng mga magmamanok at magbababoy sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply