Biazon tutok sa smuggling

DOBLE KAYOD na si Customs Commisioner Ruffy Biazon para masawata ang pagpasok ng iligal na shipment ng karne sa bansa. Ito ay matapos niyang itatag ang Task Force REACT na siyang tututok sa pagpasok ng iligal na karne sa lahat ng daungan ng estado.

Maging ang Commissioner ay iikot rin mismo sa mga daungan para matiyak na nagbabantay ang kanyang mga tauhan dahil ang pagpasok ng karne buhat sa ibayong dagat ay isa sa mga isyung binubutas sa kanya ng kanyang mga kritiko na walang hangad kung hindi mapalitan siya sa pwesto.

All out ang ating kampanya laban sa lahat ng kailigalan sa Bureau of Customs (BoC) at iyan ay kaya nating patunayan sa ating mga accomplishment, ani Biazon. Doble monitor din ang task force sa lahat ng mga frozen container para matiyak na hindi sila mapalulusutan.

Ang naturang task force rin ay magsasagawa ng “site inspection” upang matiyak na ang mga import permit na ibinibigay ng Bureau of Animal Industry ay may kaakibat na wasto at tamang “facilities” na siyang kailangan sa meat processing.

Inatasan din ni Biazon ang post audit group ng BoC na rebisahin ang lahat ng mga nakalipas na transakyon ng mga meat trader upang matiyak din na nagbayad sila ng tamang buwis.

Gusto rin ng Commissioner na tulungan siya ng mga meat trader na umaangal sa pagpasok ng iligal na shipment ng karne sa bansa na magpadala ng kanilang mga kinatawan para matulungan ang kanyang tanggapan.

-ooo-

Tama lamang ang ginagawa ng Ombudsman na halukayin ang $10 milyon ni CJ Corona. Panahon na kasi para malaman ng mamamayan kung saan nakatago ang naturang salapi.

Maging ang pinanggalingan ng naturang halaga ay dapat malaman ng mamamayan dahil bilang isa sa mga pinakamatataas na opisyal ng bansa ay obligasyon niyang ipaliwanag ito sa publiko.

Kung naproteksiyunan siya ng kanyang mga abogado sa Senado tiyak na hindi siya makalulusot sa Ombudsman dahil gigil na gigil ito sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

-ooo-

Para sa mga naghahangad ng pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.com o tumawag sa 09336363310.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply