Bibitaying Pinay sa Malaysia sinaklolohan

AGAD na inatasan ni Vice President Jejomar C. Binay si Philippine Ambassador Ed Malaya na magtungo sa Malaysia upang mabigyan ng tulong ang Pinay Domestic helper na hinatulan ng bitay sa kasong drug trafficking sa naturang bansa.

Batay sa pahayag ni Binay, gagawin nila ang lahat upang tulungan ang Pinay na si Eliza San Gabriel, 45-gulang, na hinatulan ng Malaysian court ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti.

Nanawagan ang Pangalawang Pangulo sa mga Pinoy na ipanalangin ang Pinay kasabay ng paalala na mag-ingat at huwag pumayag na maging tagapagdala ng bagahe ng hindi kilalang indibidwal o grupo kapalit ng malaking halaga ng salapi upang hindi matulad sa ganitong
sitwasyon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Raul Hernandez, kumikilos na ang ahensya at nakikipag-ugnayan na sa Embahada ng Pilipinas sa Malaysia upang maiapela sa korte at tutukan ang kaso ng Pinay.

Napatunayang nagkasala ang Pinay sa pagdadala ng 1,126.9 gramo ng cocaine habang pasakay sa Puduruya Bus Terminal sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Agosto 28, 2009 patungong Thailand.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply