Bidding para sa LRT-Cavite extension naudlot

NAUDLOT ang “bidding” para sa multi-bilyong kontrata sa Light Rail Transit-Cavite Extension makaraang hindi matukoy ang sisingiling pamasahe sa mga pasahero.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nais ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, dapat tukuyin ang tamang halaga ng pasahe na hindi makaaapekto ng husto sa mga mahihirap na mananakay ng train system.

Dahil dito, maaaring mailipat sa buwan ng Hunyo ang bidding sa P30 bilyong proyekto na dapat sana’y ngayong kalagitnaan ng Mayo
naisagawa.

“The government does not want to impose high fares on passengers. The easiest thing to do is to come out with terms of reference and tell
everyone that this is the price that they will have to pay and this is what the private contractor will earn,” ayon kay Roxas.

Isasailalim sa “public-private partnership (PPP)” ang LRT Cavite Extension project at ang mananalong bidder ang magtatayo ng ekstensyon
ng LRT Line 1 mula Baclaran hanggang Cavite.

Ang mananalong bidder din ang mag-o-operate at magmimintina ng train line sa loob ng ilang taon upang mabawi ang inilabas na puhunan buhat sa pasahe. Papayagan naman ng pamahalaan ang mananalong bidder na i-operate rin nito ang kasalukuyang LRT Line 1 mula Roosevelt hanggang Baclaran at bibili rin ng dagdag na mga train car para sa inaasahang paglobo pa ng mga pasahero na umuuwi ng Cavite.

Dahil sa ang pamahalaan na ang bibili ng mga tren, mas maliit ang perang kailangang bawiin ng kontraktor kaya maaaring magbaba sa singil
sa pasahe ito.

Ilan na sa nagpahayag ng interes sa bidding sa kontrata ang Metro Pacific Investment Corp. at ang Ayala Corporation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply