Bigtime rollback pa sa presyo ng gasolina

NAGPATUPAD pa ng rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang kumpanya ng Eastern Petroleum at Shell kaninang  alas-12:01 ng madaling-araw.

Magtatapyas ang Eastern Petroleum ng P1.50 kada litro ng kerosene at regular gasoline, habang P1.70 naman sa kada litro ng diesel.

P1.60 naman ang itatapyas sa kada litro ng unleaded at premium gasoline.

Samantala, may P1.70 na rollback ang Shell sa kada litro ng kanilang unleaded gasoline at premium gasoline.

P1.60 naman sa diesel habang P1.50 sa kerosene at regular gasoline.

Nauna nang magtapyas ang Unioil ng alas-6:00 ng umaga ng P1.65 sa kada litro ng diesel at P1.50 naman sa unleaded at premium gasoline.

Ang rollback ay bahagi ng malaking halaga ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply