Binata binurdahan ng saksak, tepok

PATAY ang isang binata matapos pagsasaksakin ng hindi nakilalang suspek habang ang una ay papunta sa tindahan upang bumili ng yosi sa Caloocan City kagabi, Huwebes (Mayo 24).

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Luis Jumalon, 25 ng Sampaguita St., 10th Ave., ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, nasa tapat na ng tindahan sa 10th Ave., ang biktima nang pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply