Binata patay sa kasugal

HINDI na binayaran, pinagsasaksak at napatay ang isang binata ng kasugal sa cara y cruz sa Valenzuela City Lunes ng gabi, Mayo 21.

Dead on arrival sa Polo Hospital  si Richard Millario, 34 ng Molina st., Viente Reales sanhi ng mga saksak sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-10 ng gabi, kasugal ng biktima sa cara y cruz si Mulig. Hindi umano nagbayad ang huli nang tumama Millario.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang nagbunot ng patalim si Mulig at pagsasaksakin si Millario.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Mulig at kasama ang nakilala lang sa alyas na Totong pawang kalugar ng biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply