Binatilyo napagkamalang magnanakaw binaril

ISANG 15 anyos na binatilyo ang ino-obserbahan ngayon sa pagamutan matapos itong barilin ng security guard sa plantasyon ng mais sa bayan  ng Polomok, South Cotabato dahil napagkamalan itong magnanakaw.

Base sa report na nakarating sa kampo krame, kamakalawa ng hapon habang nagpapastol ang binatilyo ay binaril ito ng hindi pa nakikilalang sekyu sa loob ng corn plantation na pag-aari ng Corn Seed Pioneer Incorporated sa barangay Glamang bayan ng Polomolok ng nabangit na lalawigan.

Lumabas sa imbestigasyon ng Polomolok PNP na kukunin sana biktima ang ipinastol niyang baka nang bigla siyang barilin.

Mapalad namang agad na nadala sa pagamutan ang binatilyo habang inaalam naman kung sino sa mga nakatalagang security guard ang nakabaril.

Sinasabing marami ng naitalang kaso ng nakawan sa lugar kaya laging alertado ang mga guwardya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply