Binay sa mga ADB delegate: It’s more fun in the Philippines

PINANGUNAHAN ngayong araw ni Vice President Jejomar Binay ang paanyaya ng pamahalaan sa mga dayuhang delegado sa Asian Development Bank (ADB) general meeting na bisitahin ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga delegado sa 45th annual meeting ng ADB Board of Governors sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, hinikayat ni Binay ang mga dayuhan na huwag lamang makontento sa loob ng CCP complex at bagkus ay puntahan ang mga pangunahing pasyalan ng bansa at damhin ang katagang “It’s more fun in the Philippines.”

Ayon pa sa Bise Presidente, mamamangha ang mga dayuhan sa pagbisita nila sa Underground River sa Puerto Princesa, Palawan na isa sa world’s New 7 Wonders of Nature.

“It is something you should not miss. Those who yearn for the sea may wish to feel the sugar white sands of Boracay beneath their feet. And for those who prefer to ride waves rather than cause them, our surfing capitol of Siargao does not disappoint the adventurous,” pahayag pa ni Binay.

Dagdag pa ni Binay, maging sa loob ng Maynila ay may mga magagandang tanawin na naghihintay lamang matuklasan, kabilang na ang pamosong ‘Sunset at the Manila Bay,’ ang walled city ng Intramuros, at ang buhay sa gabi sa Makati Business District na maaari umanong maihalintulad o mas maganda pa sa Tsim Sha Tsui sa Hong Kong, Maimi sa Florida o sa Los Angeles, California.

Aniya, sakali man mabighani ang mga dayuhan sa tamis ng ngiti ng mga magagandang Pilipina, handa naman ang Pilipinas na yakapin sila at tuluyan nang manirahan sa bansa.

Ipinagmalaki rin ni Binay sa mahigit 4,000 delegado ang malaking pagbabago ng Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Pangulong Benigno Aquino III, kabilang na ang paglago ng industriya sa Business Process Outsourcing (BPO) kung nangunguna na ang Maynila sa voice o customer service representative (CSR) at numero dos naman sa non-voice o technical support representative (TSR).

Isa rin ang Pilipinas sa Top 10 exporters ng mga prutas tulad ng mangga, saging at pinya, habang nasa ika-8 puwesto naman ito bilang ‘largest fish producer’ sa buong mundo.

Inihayag din ni Binay ang kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon at pagsusulong transparency kasama ang ADB at civil society.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply