Birthday celebration nauwi sa trahedya, 1 utas

HUMANTONG sa madugong trahedya ang masayang inuman ng magkakaibigan sa isang birthday celebration makaraang mauwi sa saksakan ang mainitang pagtatalo ng mga ito sa Quezon City kagabi Mayo 24, 2012 (Linggo).

Idineklarang dead on arrival sa E. De Los Santos Hospital ang biktima na kinilalang si Richard Esguera,16, grade VI pupil ng Cluster 26 ROTC Hunter St.Brgy. Tatalon, QC dahil sa tinamong maraming tama ng saksak sa katawan.

Habang tumakas naman ang itinuturong salarin na si Marlon Lerio,18,ng Cluster 15, ROTC Hunter, Brgy.Tatalon, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente dakong 11:40 ng gabi kagabi sa bahay ng suspek sa Cluster 15, ROTC Hunter,Brgy. Tatalon,QC.

Sinabi sa ulat masayang nagkakainuman noon ang biktima at suspek kasama ang ilang kaibigan ng biglang mauwi sa mainitang pagtatalo ang masayang kuwentuhan ng mga ito subalit naawat din.

Makaraang maiuwi sa kanyang bahay ng mga kaibigan si Esguerra (biktima) ay hindi rin ito nagpaawat at sa halip na magpahinga ay bumalik pa ito sa bahay ng suspek upang maghinganti.

Hindi pa man nakaaabot sa bahay ng suspek ang biktima ay nakasalubong nito ang grupo ng suspek na agad siyang hinawakan sa kamay habang sinaksak ito ng isang kasamahan bago mabilis na nagsitakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply