Birthday gift ni Pacman natanggap na ni Pacmom

MASAYANG ipinakita ni Mommy Dionisia o tinaguriang Pacmom ang birthday gift sa kanya ng anak na si Manny “Pacman” Pacquiao sa telebisyon.

Mababakas sa mukha ni Mommy D. ang kasiayahan sa natanggap na bagong high tech na kotse mula sa Pambansang Kamao na sinasabing nagkakahalaga ng P3 milyon.

Si Mommy D. ay magdiriwang ng kanyang 63rd birthday sa May 15 ngunit advance ang gift ni Manny sa kanya na hindi rin makadadalo sa celebration dahil sa nagsasanay pa ito para sa laban nito kay timothy Bradley sa June 9.

Busy na rin ang pamilya ni Mommy D. para sa paghahanda sa birthday celebration niya.

Nagpahayag din ang Pacmom na suportado niya ang kanyang anak sa laban nito kay Bradley.

“Nandito lang ako anak.” anang Pacmom.

Naniniwala rin si Mommy D. na muling mananaig ang mga kamao ng kanyang anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply