Bise alkalde ng Mambusao, Capiz niratrat, patay

TODAS ang Vice Mayor ng Mambusao, Capiz na si Abel Martinez makaraang paulanan ng bala ng mga hindi nakilalang salarin sa tapat mismo ng bahay nito sa Rizal Street, Poblacion Mambusao, kaninang alas-6:30 ng umaga.

Naganap ang insidente habang ginagawa ng biktima ang kanyang exercise routine na paglalakad tuwing umaga.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga salarin lulan ng kulay pulang XRM motorcycle patungong Jamindan, Capiz.

Bumuo na ng special investigation task group ang Capiz-PNP upang tutukan ang motibo sa likod ng pamamaril at kiklalanin ang mga taong posibleng nasa likod ng asasinasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply