Bise alkalde sa N.Ecija kinasuhan ng rape

NAHAHARAP sa kasong panggagahasa sa Department of Justice (DoJ) ang bise alkalde ng Pantabangan, Nueva Ecija.

Nabatid na dalawang biktima umano ni Pantabangan Vice Mayor Romeo Borja Jr. ang nagsampa ng kaso na kinilala lamang sa mga alyas na Jasmin at Mina.

Kasalukuyang walong buwang buntis si Jasmin, 18, matapos umano siyang gahasain ng bise alkalde mula noong Hunyo hanggang Setyembre ng nakalipas na taon.

Nabigo umano niya itong maisumbong dahil sa pananakot ng bise alkalde sa kanya.

Samantala, tatlong buwan naman ang nakaraan nang makapanganak si Mina na dating yaya ng mga anak ni Borja at biktima rin umano ng panghahalay ng alkalde.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply