Bishop Bacani umaasang lilitaw ang katotohanan sa reklamo vs CJ Corona

NANANALANGIN ang isang Catholic bishop na magiging makatarungan, patas at naaayon sa konsensya ang desisyong ipapalabas ng senator-judges sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito’y kasunod na rin nang nalalapit na paglalabas ng desisyon ng impeachment court sa kaso ni Corona bukas (Lunes) o sa Martes.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, umaasa siyang lumitaw na ang katotohanan sa isinasagawang paglilitis ng Senado sa kaso.

“Sa atin ang panalangin po sana natin ay lumitaw ang totoo at ang paglilitis na ito ay makabuti sa lahat hindi lang kay Chief Justice Corona kundi maging sa bayan at kung ano ang mas makabubuti sa bayan at kung ano talaga ang totoo siya nawa ang lumitaw at palitawin,” ayon kay Bacani.

“Ang mga hukom, ipinalangin natin na kumukundena sa ayon sa kanilang inaakalang totoo, makatarungan, patas at matutulong sa bayan, at tayo naman ay magtiwala sa proseso, magtiwala sa lumilitis, sa kanila po ipinagkaloob ang kapangyarihan na yan, igalang po natin kahit na sino tayo at kahit na ano ang kanilang pasya,” dagdag pa nito.

Nauna rito, humarap muli sa Senado si Corona nitong Biyernes kung saan isinailalim siya sa clarificatory questions ng mga senador.

Nagsumite rin ng waiver si Corona sa mga senator-judges para bigyang awtoridad ang mga ito na mabuksan ang kaniyang mga bank accounts.

Gayunman, hindi na pinabuksan ang bank accounts at matapos ang clarificatory questions ay isinumite na para sa resolusyon ang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply