Obispo sa impeachment court: Makatarungan, makatuwirang desisyon vs Corona

NANAWAGAN ngayon si Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal sa  mga senator-judges ng Senate Impeachment Court Judge na magkaroon ng makatuwiran at makatarungan ng desisyon sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Ipinahayag ng cardinal na dapat na pabayaan ang  impeachment court na tapusin ang proseso at umaasa ito na lalabas ang katotohanan pagkatapos ng impeachment.

Samantala, inihayag naman ng  Integrated Bar of the Philippines (IBP) Cebu City Chapter, Atty. Earl  Bonachita  na dapat na sumipot si Corona sa impeachment trial ngayong hapon.

Nagbabala ang IBP Cebu City Chapter na susuporta ito sa panawagan kay Corona na magbitiw na sa puwesto kapag patuloy na hindi sasalang sa cross examination.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply