Bisita ng anak tangkang gahasain ng magsasaka

TARGET ngayon ng pulisya ang isang magsasaka matapos ireklamo ng tangkang panghahalay sa babaeng bisita ng kanyang anak sa Rizal Cagayan, sa ulat ng pulisya.

Base sa ulat, ang pinaghahanap na suspek ay si Johnny Gundal, 38, ng Barangay Gagabutan West, Rizal town.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness si Gundal matapos tangkang gahasain ang isang menor de edad na bisita ng kanyang anak sa Rizal, Cagayan na itinago sa pangalang Janine.

Nabatid na umuwing lasing ang suspek at nagwala kung kaya umalis ang mga tao sa kanilang bahay habang naiwan naman ang natutulog na biktima sa loob ng kuwarto.

Dito na pinasok ng suspek ang natutulog na second year high school student, tinutukan ng baril at tangkang gahasain.

Nabigo naman ang suspek nang mabilis na rumesponde ang kanyang mga kapitbahay na nakarinig sa sigaw ng dalagita.

 

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply