Biyahe pa-Iloilo kinansela dahil sa brownout

KINANSELA ang lahat na flights mula at patungo ng Iloilo kanina.

Ito ay matapos masunog ang UPS na nagsusuplay ng koryente sa ilaw sa runway ng paliparan at iba pang pasilidad ng airport ani Efren Nagrama, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) manager sa Iloilo Airport.

Nabatid na sumabog ang UPS sa paliparan kaya nawalan ng koryente sa airport at posibleng bukas pa maibabalik sa operasyon.

Inaalam pa ang dahilan ng pagsabog ng UPS.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply